Datapwat ako ay madaling makalimot at madapa kasabay ng aking mga kamalian. Doon sa bahagi ko na akoy munting musmos pa lamang. Inaaninag kita sapagkat sa mga pagkakataong iyon ay nararamdaman ko ang aking pagkabata.
Hindi mo alam, pero ikaw ay aking kaulayaw...
Doon sa larong patinterong madalas taya ang mabagal... Doon sa buwang ang hugis ay ganap ang kabilugan... Doon sa panahong usok ng sigarilyo ang aking nahahagkan... ikaw ay kasama ko...noon at ngayon man.

No comments:
Post a Comment