Sunday, July 11, 2021

Munting panalangin bago ang pagpupulong

 Pangunahan mo po kami Panginoon at samahan mo kami sa buong araw na ito ng aming pagpupulong upang ang iyong kagustuhan ang aming maging gabay. Buksan at linisin mo po ang aming puso at isipan upang maibahagi namin sa pagpupulong na ito ang aming mga angking kaalaman at karunungan upang ang maging bunga ng pagpupulong na ito ay maging mabuti sa amin, kapakina-pakinabang sa tanggapang aming pinaglilingkuran at naaayon sa iyong kalooban. Ito ang aming Papuri, ito ang aming pasasalamat, ito ang aming panalangin sa pangalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen

No comments: