Thursday, November 15, 2012

Panalangin ng Pag-aalay ng Sarili

Panalangin ng Pag-aalay ng Sarili

O aming Diyos, Amang Kataas-taasan. Ang nagtatakda ng lahat ng mga pangyayari, lahat ng sandali na may dalang buti para sa amin.
Ikaw ang sa amin ay nagbigay-buhay. Sa pamamagitan mo ay nalikha ang mga bagay na tumutugon sa lahat naming pangangailangan. Ang pagmamahal mo ang nagbibigay sa amin ng lubos na pag-asa, ng liwanag sa aming buhay.
Sa iyong paglingap ay nalalampasan namin ang mga pagsubok ng buhay. Sa bawat sandali, ikaw ang sa amin ay siyang gabay.
O aming Diyos, hayaan mong iaalay namin sa iyo ang lahat naming mga kilos, ang aming mga pasya, ang aming mga gawa na naaayon sa iyong salita para sa kapakinabangan ng aming kapwa.
Hayaan mong bukas ang aming isipan para sa mabuti at wag maging bulag sa gawang mali. Hayaan mong pasanin namin ang aming mga krus upang maging kalugod-lugod sa iyong paningin, maging abang naglilingkod sa patuloy na pagluwalhati sa iyo, o aming Panginoon.
Hayaan mong ang aming buhay ay patuloy na maging malinis na handog sa iyo. Ito ang aming alay, ito ang aming pasasalamat, ito ang aming panalangin sa pangalan ni Hesus na aming Panginoon, Amen.

No comments: