Thursday, November 15, 2012

Panalangin sa Patuloy na Pagiging Bukas

Panalangin sa Patuloy na Pagiging Bukas

O aming Diyos, Amang Kataas-taasan, muli kami ay nangagtipon ngayon upang ikaw ay purihin at pasalamatan. Maraming salamat panginoon sa iyong walang hanggang awa at pagkalingang patuloy na ibinibigay sa amin.
Hayaan mong kayo ay patuloy naming pasalamatan sapagkat…
Sa aming kahinaan, ikaw ang nagbibigay sa amin ng lakas;
Sa aming kalungkutan, ikaw ang musikang aliw sa aming pandinig;
Sa aming pag-iisa, ikaw ay laging nariyan upang kami ay damayan;
Sa aming kabiguan, kamay mo ang sa amin ay laging nakaalalay.
O aming Diyos, hinihiling namin na patuloy mong buksan ang aming isipan upang patuloy na maging mabuti ang aming mga desisyon;
Patuloy mong bukasan ang aming mga puso upang pag-ibig ang lagi naming maibahagi sa iba;
Patuloy mong buksan ang aming mga kamay upang aming magamit sa patuloy na pagtulong sa iba;
Patuloy mong ituro sa amin ang mabuting daan upang sa aming paglalakbay ay maging abang naglilingkod sa iyo.
Ito ang aming papuri, ito ang aming pasasalamat, ito ang aming panalangin sa pangalan ni Hesus na aming Panginoon, Amen.

No comments: