Monday, February 9, 2009

impression

Ako po ay nalulungkot sapagkat, katulad din ng mga masasayang sandali sa ating buhay, ang ating pagsama-samang ito ay kailangan nang magtapos. Ako rin naman ay natutuwa sapagkat sasandaling oras na lamang ay makakapiling na natin ang mga mahal natin sa buhay na sandali nating iniwan upang dumalo sa pagsasanay na ito.
Isang karangalan para sa akin ang mapabilang sa pagsasanay na ito hindi dahil sa unang pagkakataon ko pa lang na napunta sa Angeles bagkus ay dahil sa ang maraming katanungan, kalituhan sa mga bagong sistema na ipinapatupad ay agad na nabigyang katugunan.
Ang pagsasanay na ito ito ay nagbigay rin sa amin nang bagong pananaw, mga bagong kaalaman at tamang direkyon mula sa mga angkop na tao katulad ng ____, ng ____ at ng _____.
Ang mga bagong kaalamang ito ay baon naming iuuwi sa ____ aming pinanggalingan at aming gagamitin upang maiwasan naming magkamali at maiwasang masayang ang mga bagay na hindi dapat nasasayang. Ang mga bagong kaalamang ito ay aming gagamitin upang patuloy na maging mabuting manggagawa at magampanan ng lubos ang mga gawaing nakaatang sa aming balikat.
Sa lahat ng nagpuyat, nagsikap at nagtulong-tulong upang ang pagsasanay na ito ay maisakatuparan. Maraming salamat po02092009. (Excerpt from my impression made during___workshop last January __ to __. 2009).

No comments: