Sa halos sampung taong lumipas. Ikaw ay ganap kong nakilala. Sa iyo ako ay namulat sa tunay na kalagayan ng buhay. Ikaw na rin ang humubog sa aking noon ay payak na pananaw at pang-unawa. Higit mong pinagtibay ang mumunting mabuting halamang sa akin ay nananahan mula pa noong simula.
Ang istorya mo ay napakalalim. Hindi ko maarok, madilim. Kung bakit hayaan mong aking sa iyo ay sasalaysayin. Hayaan mong ipokus ko sa iisang kuwentong sa iyo’y idinadaing.
Bakit nawawala ang memory card ng “magic sing”. Nawaglit lang ba at hindi maalala kung saan itinago ng tagapangalaga? Ang CD na di umano ay naglalaman ng libong awitin pagkatapos ng halos dalawang linggo ay hindi na rin makita. Ang nakakalungkot lang, nalalamang nawawala kung kailangan na gagamitin at hindi kung kailan aktuwal na nawala. Ito ba ay sadya o kaululang sakit na hindi pa masawata.
Mayroon bang magnanakaw at sadyang mapagsamantala sa iyong tahanan? Meron bang malikot ang kamay na kung nangangati ay hindi ko alam. Bagama’t ang kumuha ng mga “empty cartridges” ay ganap ng natigil sa paglilingkod sa iyo ngunit nakakagulat sapagkat pagkatapos niyon ay “CPU” naman ang naglahong bigla.
Sa pang-araw araw ay may mga bagay ding nawawala, hindi nga lang napapansin o sadyang hindi na inaalam dahil hindi naman pinahahalagahan kung nawawala’t tuluyang nasasayang.
Ano’t taon-taon ay napakaraming paper clips, lapis, ballpen, at iba pang malilit na bagay ang nauubos mo? Nauubos mo bang talaga o marami sa iyo ay nauuwi sa ibang sadya?
Sa iyong pagbibiyahe, dumarating ka nga ba sa oras na inilagay mo sa iyong “Itinirary” o inilagay mo lang iyong alam mong ikaw ay makikinabang kahit saliwa naman sa katotohanan? Ang “ticket” na gamit mo sana ay sa iyo nga at hindi sa nanay mong namalengke lang sandali sa talipapa. Siguro sa iyong pag-uwi ay iyong pag-isipan kung gagawin mo uli o konsensiya na lang ang bahala sa iyong hindi mabuting gawa?
Hindi tamang ikaw ay aking husgahan, pangunahan o turuan ng dapat mong gawin. Malaki ka na at alam mo na kung ano ang mali at tama? Tandaan mo lang sana na ang kuwentong nawawala ay nararamdaman namin at nitong ating bayang kawawa.january202009
No comments:
Post a Comment