Tila isang karaniwang gusali kung ika'y pagmamasdan. Walang pinag-iba kung kaanyuang panlabas lamang. Ang mga tao sa iyo ay paroo't parito. Sila'y akyat panaog, kanya-kanyang nais, kanya-kanyang gusto.
Sa iyo'y nakatira nagagandahang dalaga kahit noong iyong simula pa. Iba't iba ang katangian, iba't iba ang kahinaan. Mapagtiis ngunit matapang, mapagkalingang sukdulan. Ano't tunay na kaakit-akit, kamangha-mangha kaninuman.

Sa pag-ikot ng panahon, ang ila'y iniwan ka upang sila'y magsipag-asawa ng prinsipeng may ispada upang ang hanap ay kanila nawa'y nasumpungan ang ligaya.
Ang mga prinsipeng sa iyo na sa simula pa'y nananahan na. Ay naiwang tigalgal, tila batang natulala. Nais muling sundan ka kahit ika'y pinalaya na.
Sa pagdungaw ng bisita sa malalaki mong bintana. Matatanaw na nila ang buo mong kaluluwa, sinadya bang ilantad ka upang lalong ipakilala. Ikaw ay naririto halikayo't pumasok na. Kumain kayo sa hapag. Ito’y nakaayos na.

Bagama’t tila baga ikaw ay kaayaaya, hindi ba nila nababanaag, kulay mong kakaiba? Sa iyong bahay ay tila baga maraming mahika… biyahe ay napapahaba, sulat mo’y nabubura. Ano’t sila’y kahanga-hanga, mga pangyari sa iglap ay naiiba madagdagan lang ng barya ang bulsang tila butas baga.
Masakit sa tenga ang munting mga ingay na iyong binubulong. Ukol baga sa kaugaliaang sa iyo naiuukol. Integridad ay iyong pinangangalandakan, ito ba’y sa iyo? Iyo ngang pagmasdan, gawi at kilos mo? Di ba’t saliwa at hindi maipatuto kaya’t bulong sa bato may kanya-kanyang akda’t patuloy ang kuwento.
O bahay ni pokolo, kahit anong sa iyo’y bumubuo. Pagtulungan kang ayusin, pagtulungan kang mabago. Katulad ng panlabas na inaayos sa iyo. Pati ang panloob ay pagtulungang baguhin mo..wag kang bibitaw… wag kang susuko. Kami’y naririto, hindi ka iiwanan... iyan ay pangako.112408
No comments:
Post a Comment