Monday, November 24, 2008

ang nakalipas

Noon ang ang lahat ay pawang laro lamang sa akin. Na ang bawat palakpak nang paghanga ay tagumpay kong tinuturing. Kung saan ay anu’t kay sarap ang pakiramdam na ika’y tingalain kahit na ba hindi wasto ang gawa at paling. Ang bawa’t kayo na dumaan sa akin ay tropeong nakatago sa isipang walang maling. Di bale nang kung ano ang iyong isipin , di bale nang puso’y aking sugatin. Basta ako’y masaya, karangalan ay akin.
Sa isang mensahe ni Arnulfo ano ba't nagsimula ang malaking aligaga. Doon sa mga pangyayari sa bayang ako'y nagsimula. Ano't ang pagbabago ay ganap at bigla. Hindi ko namalayan panahong ako'y nawala, sampung taon nga ba ang ang lumipas? Isang dekadang binago kang bigla. Ang ikaw noo’y iba ngayo't hindi ko na makita. Ako ba ang may sala, ako ba ang nagsimula? Dapat ba akong parusahan at itakwil bigla?
Hinihila ko ang panahon upang ako'y makalapit, upang madama kakaiba mong pang-akit. Ninais kong bumalik kahit sa biglang pikit upang masilayan ko ang dilag na kaakit-akit. Musmos mong anyo, ano't nakangiti’t marikit. Ibang-iba sa balita na aking pilit iwinawaglit. Sa pagmulat ng mata'y katotohanang nakaukit… ang lumipas kong nilimot ng pilit… ikaw pa rin at ikaw. Walang daya walang bahid.
Wag sanang mamulat itong matang nakapikit. Upang sa panaginip ako’y mabuhay saglit. Upang ang lumipas ay makita ng pilit. Mabigyan ng buhay kahit man lang sa isang saglit.112408

No comments: