Wednesday, November 19, 2008

langaw

Napalingon ang marami nang bigla kang tumingayaw. Ano't parang may kung anong halimaw na nakaaway. ..Tila baga may batang nagnakaw ng kending nasa iyong kamay at pilit na binabawi sa giyera nang batingaw.
Ito’y hindi nangyayari kahit noon pa man, ito’y hindi luma bagkus bago lamang. Ewan ko ba kung bakit, kahit ako’y walang alam. Isipin mo kung bakit ako’y aalalay lamang.
Ito ba’y dahil sa iyong problemang personal? Kung saan ika’y sawimpalad at hindi makapanlaban? O di kaya’y talagang tunay mo nang taglay na hindi mo maibulalas, hindi mo maihinga kaninuman?
Ito ay bunga ba ng iyong kapangyarihan? Ikaw nama’y walang lakas na dapat ipagyabang?Tayo pa nga’y naatasan na maglingkod at sila ay pagsilbihan. Hindi ang paglingkuran nitong api nating bayan.
Kung ikaw ay mananatili sa iyong ganyang kaugalian. Ika’y kahabag-habag at labis ang kamangmangan… Katulad mo'y langaw paligid man ay malinis at luntian. 19nobyembre2008

No comments: