Panalangin ng pag-alaala sa mga namayapa
O aming Diyos, Amang kataastasan, muli kami ay nangagtipon ngayon upang ikaw ay purihin at pasalamatan.
O aming Diyos, Amang kataastasan, muli kami ay nangagtipon ngayon upang ikaw ay purihin at pasalamatan.
Maraming salamat panginoon sa walang hanggang awa at pagkalingang patuloy mong ipinagkakaloob sa amin.
O aming Diyos, sa linggong ito ay nasasakop ang araw kung saan ay aming inaalala ang mga mahal namin sa buhay na sumakabilang-buhay.
Tanggapin mo sila Panginoon ng maluwalhati sa iyong kaharian. Sila ay mapapalad sapagkat sa iyong kaharian ay walang pasakit, walang pandaraya, walang pag-iimbot… walang pagpapagal.
Hayaan mo panginoon na ang linggong ito ay maging sentro nang aming pag-alala…pagunita ng mga sandali na sila ay aming kapiling at pagunita ng mga bagay na kanilang ginawa na nagbigay sa amin ng karunungan at inspirasyon. Mahal namin sila at napakahalaga nila sa amin Panginoon.
O aming Diyos, Sa linggong ito ay ipinapanalangin din namin ang mga buhay. Na sana ang aming pamamalagi dito sa mundo ay maging kasangkapan ng patuloy na pagdakila sa iyo.
Wag nawa kami maging parang kalawakan…na hindi maabot ang aming mga kamay niyong mga nangangailangan.
Wag nawa kami maging parang karagatan… na hindi maarok ng simpleng isipan.
Wag nawa kami maging parang literal na patay… Walang damdamin, walang pakiramdam, walang pang-unawa, walang malasakit…walang pag-ibig sa kapwa.
O aming Diyos hayaan mong patuloy naming pasanin ang aming krus upang patuloy na maging malinis na handog sa iyo.
Ito ang aming panalangin sa pangalan ni Hesus na aming Pangainoon, Amen (Ipinalangain nong Oktubre 27, 2010)
No comments:
Post a Comment