Madalas ang bawat araw na lumilipas ay halos hindi ko na namamalayan. Parang kaylan lang ako'y isang batang musmos pa lamang. Doon ay hindi ko nadarama ang agam-agam, ang takot, ang pag-aalala, ang pagkabalisa...hindi ko alam ang kahulugan ng buhay.
Ako ay malaya, ako ay malakas, ako ay masaya, ako ay lumilipad. Dito ay kasama na kita. Di nga ba't ikaw ang aking madalas na kasalo sa pagkain? Madalas tayong naglalaro, naghaharutan, nagkakantiyawan, minsan kasama sa pagtulog at minsan rin ay kasama sa kalokohan. Di nga ba't ako ay iyong dinadamayan kapag ako ay may problema? Di nga ba't ikaw ang nagpapangiti sa akin? Ikaw ang nagpaluha? Naging kagalit at nakatampuhan mo? Naging kasama sa trabaho? Naging kakuwentuhan? Naging kaaway? Naging matalik na kaibigan? Nakasamang mangarap? Humanga at hinangaan? Inibig mo at inibig ka? Ah basta...ikaw ay bahagi ng buhay ko. Ang saya ng buhay kapag tayo ay magkakasama.

Ang buhay ay patuloy lang... ngayon ay hindi na tayo madalas magkasama. May kanya kanya tayong daang nilalandas. Trabaho, pamilya, mall, internet surfing, basketball, sine, telebisyon, kompyuter, sigarilyo, alak, kahit ano lang. Galit, takot, hangarin, obligasyon, pananagutan, responsibilidad, pangarap. Madalas hindi ka sumasagi sa aking isip dahil sa dami ng aking pinagkakaabalahan.
Ganunpaman, nais kong malaman mo na sa kabila ng aking kaabalahan, sa kabila ng aking mga kinatatakutan, sa harap ng aking obligasyon at pananagutan, sa responsibilidad na nakaatang sa aking balikat, sa panahong inuukol ko sa aking mga mahal sa buhay, sa mga pangarap kong unti-unti ko nang naabot. Hindi ko mapapasubalian, ikaw ay nasa aking puso at isipan.
Bigla ka na lang dumarating at sumasagi sa aking isipan. Madalas kapag ako ay nag-iisa. habang naninigarilyo, habang nakatanaw sa kawalan. Sumisilay muli ang ngiti sa aking mga labi, sumisigla muli ang aking isipan, binibigyan mo ako ng bagong lakas, tatag ng loob, inspirasyon at pag-asa. O anupa't ika'y aking pinanabikan at ninanais na sana ika'y muling makita.
Sa bawat araw, ng buwan at taong bakit ba ang daling lumisan. Sa tagal ng panahong hindi tayo nagkita.... kaibigan, ni minsan ay hindi kita kinalimutan.
No comments:
Post a Comment