Ano ba't parang ang gulo ng silid na iyon na aking kinaroroonan. Bagama't nasaayos ang lahat ay ano't magulo ang aking pakiramdam. Marahil ay ako ay nagdaramdam dahil sa balitang hindi ako ang napili sa paligsahang iyon. Na ang matibay na batayan ay ang bigat ng integridad at pagiging tapat. Anupa't ako'y hindi nabiyayaan ng ganung mabuting ugali. Ako ba ay hindi naging mabuti sa aking kapwa? O ako lamang ay binubulag ng aking maling paniniwala na ang lahat ay natutuwa sa aking pagiging matapat at may prinsipyo? Ako yata ay mali sa aking paniniwala?
Bakit kailangang sa pamamagitan nito ay ipaalam mo sa akin ang tunay na saloobin at pagkatao ng mga nagsasabing sila'y aking mga kaibigan? Sila na bukas palad kung ako ay salubungin? Sila ba ay sadyang nakapamumuhay sa bayang maunlad at ang karunungan ay nakaabot na sa kalawakan?
Salamat sa iyo, sa kakaiba mong pamamaran, dahil dito ay nakilala ko yaong mga taong ako'y dapat mag-ingat at yaong mga taong dapat kong pakaingatan.12:50pmhulyo122007
No comments:
Post a Comment