Mala-anghel ang kanyang mga ngiti kahit nakalabas ang mga ngipin niyang ang iba ay bahagya ng nabungi dahil sa pagkahilig sa pagkain ng matatamis habang tila nakatitig sa aking mukha. Patuloy ko siyang tinititigan, buhay na buhay ang kanyang mga ngiti sa larawang ito na aking nakita ng hindi sinasadya ay aking bisitahin ang my photo sa aking e-mail April122007648pm. Miss ko na siya ang sumasaisip ko habang patuloy ko siyang tinititigan. Ang aking anghel... ang napakaganda kong anghel. MISS na MISS na KITA.
Patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata kahit isinara ko na ang aking e-mail account ngunit bawat tipa ng mga letra sa aking kompyuter katumbas ay luha na mabilis na dumadaloy mula sa aking mga mata. Nasaan ka man anak, mahal kong alliah, mahal na mahal kita... anak miss na miss na kita, anak mahal na mahal kita... patawad sa aking mga naging pagkukulang. Mahal na mahal kita anak.
Saglit akong natigilan, ipinikit ko ang aking mga mata...hindi ko alam kung bakit, biglang dumaloy ang matinding hinagpis sa aking dibdib kasabay ng mga luhang dumadaloy sa aking pisngi...Kumusta ka anak ko, nasaan ka ba ngayon?sana hindi ka namatay, sana hindi ka muna niya kinuha sa amin. Bakit, bakit, bakit? bakit? bakit? bakit? bakit? bakit? bakit? bakit? bakit? bakit? BAKIT?BAKIT? BAKIT !!!!!!
No comments:
Post a Comment