Ang hirap gumising dahil sa puyat sa kaiisip sa pangyayaring maaring bumago ng pananaw ng isang mabuting tao. Bakit ba kailangang magtagumpay sa lahat ng laban ang laging iniisip ng bawat tao? Sadya nga bang ang tagumpay ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam at katiwasayang pangkaisipan?
O isang pagsusukat ng kakayahan ng bawat isa at ang makapapanaig ay ang tanging nasa dulo ng pisi na ang bawat isa ay naghahangad na maabot.
O isang pagsusukat ng kakayahan ng bawat isa at ang makapapanaig ay ang tanging nasa dulo ng pisi na ang bawat isa ay naghahangad na maabot.
Hindi pa tapos ang pag-aabang. Ang mga pangyayaring maaring maganap ay patuloy na nakalambitin sa puno ng sanga at anumang oras ay maaring malaglag upang magbigay ng kagalakan sa isa at kasawian sa marami. Nawa ang bawat isa ay may tamang pag-iisip. Tamang pag-unawa na ang buhay ay sadyang puno ng sakripisyo at pagpapagal. Mas marami ang kapos ang kapalaran at hindi nakakaabot ng mga pangarap. Ngunit ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ang bawat bagay ay may kanya-kanyang panahon... kung hindi ngayon ay maaring bukas. Salamat kay ina...salamat sa magandang araw.5:44ng haponMiyerkuleshunyo202007.
No comments:
Post a Comment