Wednesday, October 24, 2007

Mainit na hangin

Mabigat ang pakiramdam ko ng ako ay pumasok, martes, ika-27 ng marso 2007, dahil siguro sa pagod sa pagseset-up ng kompyuter nung nakaraang gabi. Maliban pa sa may kahilingan kasi tungkol sa isang activity na gaganapin ngayong araw ay nilipat ko rin ang mga kompyuter sa ... Unit dahil gagamitin nga ang conference room.
Nagagalit ka ba?”ang isa sa mga katanungang
aking binitiwan ng umagang iyon, patungkol sa ginawi ng isa kong kasama sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit mainit ang hangin sa aking hininga ng mga oras na iyon?
Hanggang hapon ay dala ko pa sa aking dibdib ang hanging pinipilit kong iwaksi sa pamamagitan ng paggawa ng aking mga nakabibing gawain.
Hello, ano ba ang aking maipaglilingkod sa magandang binibini? Ang mainit na hangin ay bahagyang napawi dahil sa tawag sa telepono galing sa pinakamamahal kong asawa. Hindi ko alam kong nararamdaman niya, ngunit pilit kong inilalayo ang hanging mainit na iyon sa aking dibdib.

No comments: