Sunday, January 19, 2014

under state of denial

Ang bilis ng iyong pagdating at pag alis sa aming bansa ngunit ang epekto mo sa lahat ng aspeto ng aming buhay ay parang ngayon palang sa akin ay sumasariwa.  Hindi maikakatwa ang lawak ng iyong sinira.  Kabuhayan, mga gusali at mga tulay, bahay at buhay ay iyong kinuha. May ilan pa nga na siguro na kabilang sa larangan o trabaho na aming kinabibilangan o maaring ang iba ay amin na ring kaibigan o kaibigan ng aming mga kaibigan.  Maraming linggo at buwan na ang lumipas ng kami ay dalawin mo Yolanda ngunit bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng aking isip at ng aking mababaw na pang-unawa... wala na ang kabuhayan, ganun din ang ilan nating mga kaibigan at maraming kababayan. Wala na sila, wala na ang lahat, kinuha mong biglang-bigla, at hindi ko pa rin matanggap at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

No comments: