Tuesday, October 22, 2013

help


1991 nang una kong aktuwal  na maranasan ang malakas na lindol, madaling araw noon at sa aking pagkakatanda ay sa kalsada na kami inabutan ng umaga. Bago at kakaiba para sa akin ang karanasang iyon, nakakatakot at naguguluhan ang munti kong isipan dahil gumagalaw ang paligid. Paano at bakit ito nangyayari?  Mga ilang araw din ang lumipas bago humupa ang paggalaw ng paligid at ng pangamba, at nang takot sa aking dibdib.  Salamat dahil wala sa amin ang nasaktan at hindi rin masyadong naapektuhan ang apartment na amin noong inuupahan.
Dahil dito  ay ramdam ko ang mga nararamdaman ng ating mga kababayan sa Bohol at iba pang panig ng kabisayaan. Alay ko ay munting panalangin  na sana ay agad malampasan ng bawat isa ang sakunang ito at unti-unting makabangon at magsimulang muli.
Gusto kong tumulong, gusto kong magbahagi at magbigay ng anumang meron ako. Ang simpatiya ko ay sa inyo. Aking isinisigaw  at ako'y abang nagsusumamo, tulungan natin ang ating mga kababayan.  Kahit ano, kahit maliit, ang mahalaga ay ang bahagi natin. Support and help… ngayon na.

No comments: