Ang pag ibig ko sa iyo ay tanging sa iyo lamang
Iyan ay aking pangako habambuhay mong panghawakan.
Hindi ka magsisiphayo hindi ka iiwanan
Sapagkat ang pag ibig kong ito ay sa yo lamang nakalaan.
Ang iyong pag ibig ay aking pakakaingatan
Hindi ko hahayaan na mabawasan ni konti man.
Hindi ko sasayangin hinding hindi ko pababayaan
Ganyan sa akin ang iyong pag ibig, itinuring ko nang aking yaman.
Sa anumang karangyaan ay hindi ko ipagpapalit
Lahat ng sakripisyo at lahat ng pasakit ay susuunging pilit
Huwag lang mawalay sa sintang iniibig.
Kung may suliranin ay huwag kang panghinaan,
Kung may suliranin ay huwag kang panghinaan,
Kung mayroong pagkakagalit ay huwag kang magdamdam
Harapin natin anuman o sinuman upang ang pag ibig ay ipaglaban
Na sa isa’t isa ay ating tapat na inilalaan.
No comments:
Post a Comment