Wednesday, May 18, 2011

miss kita

Miss kita... higit pa sa pagnanasa kung yumaman.
Miss kita... labis pa sa pagnanais kung magkaroon ng sariling bahay.
Miss kita... lalong higit sa pagkakahumaling ko sa mga makabagong teknolohiya.
Miss kita... basta miss kita... dahil ganitong panahon mo kami iniwan.
Kung saang bahagi ng langit ka man ngayon...Miss kita aking Anghel
. may182011

No comments: