Monday, December 8, 2008

manny

Katulad nang mga pelikulang tagalog na aking napapanood noong ako’y bata pa lamang, mga pinagbidahan ni Lito Lapid, ni Ace Vergel, ni Rudy Fernandez at ni Fernando Poe, Jr. Ako’y agad nabibighani sa mga simpleng istorya na kanilang ginampanan, na pagkakatapos ng pagtitiis, pang-aapi ay nakakabangon, lumalaban at nagtatagumpay.
Katulad din nang kabutihan, na manaig man ngayon ang kasamaan, ang bukas ay para pa rin sa mga matuwid. Mga pangyayaring hindi inaasahan. Mga bagay na hindi mo aakalaing malilikha. Mga pagkakataong bibihirang dumarating sa buhay ng isang tao.
Ikaw ay kabilang sa iilan, lumikha ka ng mga bagay na hindi inaasahan sa larangang iyong pinasok, ang pagkilala at kasikatang hindi aakalaing maaabot. Ngunit dahil sa pagkakataong dumating sa iyo, na sa pamamagitan ng pagsisikap, tiyaga, lakas ng loob, tapang at sakripisyo… ang bibihirang pagkakataong ibinigay sa iyo ay ginawa mong tuntungan upang marating mo ang tugatog ng tagumpay. Ika’y kayamanan ng ating lahi. Nagbigay ka ng pag-asa at inspirasyon, nagmulat ka ng isipan, ipinakilala mo ang lahing Pilipino sa mundo. Saludo kami sa iyo. Hinahangaan kita Manny. december 08,2008

No comments: