Tuesday, July 8, 2025

Dear Ma'am Zeny

 Magandang hapon po Ma'am Zeny. Alam nyo po, Ganitong mga activity (may aalis, magre-retire, may magpapaalam) ang ayaw na ayaw kung daluhan. Parang kahit saan ko kasi tingnan  ay parang lungkot ang idudulot sa akin. Parang noong mag-retire si Tita Dolor. 1st time ko yata na dumalo ako sa ganitong event. Oo nalungkot talaga ako. Lungkot ang naramdaman ko  lalo habang tinititigan ko si Tita Dolor na magre-retire na. Ewan ko, basta. Yung bang ang mga huling pangyayari na maalala mo ay pagpapaalam niya at aalis na, at malalayo na siya. Parang laging  ang lungkot ng ganung alaala.. 

Pero alam mo po ba na pinili ko sanang  dumalo ngayon ? (kaso hindi  nakisama ang katawan ko) kasi ito ang natutunan ko sa iyo:

Ang mga nagyayari, lalo na kung hindi maganda at ang mga problema/suliraning nai-encounter natin tingnan natin ito in a POSITIVE WAY.  Makakatulong ito para mas gumaan ang sitwasyon at mas madali nating maha-handle at masosulusyunan. 

Medyo nahirapan ako noong malaman namin na sa Finance Section ka pupuwesto nang malipat po kayo sa DMF. Biruin mo kasama na namin ang DMF Chief, makakasama pa namin ang SAO. Ang liit kaya ng space namin sa Budget Section parang nakakahiya naman sa aming CAO at SAO ang aming space sa Finance Section. Pero sabi mo nga tingnan natin ang mga sitwasyon/pangyayari in a POSITIVE WAY. 

Hindi man katagalan na nakasama kita at naging supervisor sa DMF,  ay lubos po akong nagpapasalamat sa mga natutunan ko sa iyo at sa magagandang pananaw na ibinahagi mo sa amin. Sa pag-alis mo lungkot pa rin ang nararamdaman ko at  panghiihinayang kasi hindi ka na namin makakasama nang katulad ng dati. Pero sabi mo nga... "SA MGA GAGAWIN NATIN, MAHALAGA SIYEMPRE AY KUNG SAAN KA MASAYA". 

Maam Zeny mami-miss kita. Ingat po palagi at enjoy your retirement with your loveones and family.  Make it  not just MAS MASAYA  but the happiest new chapter of your JOURNEY.

No comments: