Monday, August 3, 2015

multo

Laging nawawala parang kaluluwa na di mo makita at laging gala. Pagsasanay na ginastusan upang marami ay turuan ngunit nang dinaluhan akala mo ay turistang aleman. Laging namasyal kahit saan at anong oras man, walang kiyeme kahit sa kalagitnaan. Kahit matapon ang lahat basta siya ay walang pakialam, sa ano o sa alen'man.

Sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan ano't kagawarang sa kapos ay kagalingan pa naman pero sabi nya sya raw ay sadyang may kaagalingan itanong mo pa kanino man siya raw ay marunong at maraming alam.

Mukhang siya ay tila labis nga ang kasanayan dahil kahit DTR lang patuloy pa ang kakatakutan, umalis ng tirik na tirik ang araw at maghapon nang kung saan pantasya niya ay naglalakbay. Bigla biglang susulpot mula sa dilim ng karimlan nang ang mga subsob pa rin sa trabaho ay iilan na lang.  Sandaling kaway lang at ang mahiwagang hintuturo nya ay agad na sa fingerscan ililitaw bagamat lilisan din agad na tila ba masaya pa at pasayaw-sayaw.

Wag sanang sa susunod ang karugtong ng "thank you" ay "Goodbye sa multong kumakaway!

"Thank You"!!!

No comments: