Tuesday, January 6, 2015

comment ko sa article na "purchase of missile system for our 2 navy frigates, a move expected to strengthen its capability to secure the country’s territory"


OK yan basta Self defense lang at protection para sa BAYANG SINILANGAN. Paalala ko lang sa mga Mahal naming Namumuno sa aming Mahal na Inang Bayan tila yata matagal nyo nang kinakalimutan ang mga manggagawa ng pamahalaan sa Rehiyong MIMAROPA (nalikha noong taong 2003) mahigit na isang dekadang hindi nabibigyan ng pansin at napapabayaan. Pagkatapos ng mahigit sampung taon, hindi pa ba nararapat na i-upgrade na rin o ire-classify ang kasalukuyang posisyon nga mga mangagawa sa kung ano ang kasalukuyang posisyon ng ibang mangagawa sa ibang rehiyon? Saan ka nakakita na pareho ng gawain sa pamahalaan pero dahil nagtatrabaho sa MIMAROPA ay mas mababa ang suweldong tinatanggap kumpara sa mga manggagawa sa ibang rehiyon? MAGKAKAIBA ANG AMING POSISYON BILANG MANGGAGAWA NG PAMAHALAAN PERO PAREHO NG TRABAHO, RESPONSIBLIDAD AT PANANAGUTAN AT DI HAMAK NA MALAKI ANG SAHOD NILA KUMPARA SA MGA MANGGAGAWA SA MIMAROPA. Sana makatulong itong aking mensahe para sa KAPAKANAN ng  mga MANGGAGAWANG patuloy na napapabayaan sa REHIYONG AKING KINABIBILANGAN.
Mabuti pa ang 2 navy frigates , ina-upgrade.....

No comments: