Wednesday, October 22, 2014

Salamat sa iyo...SIR

Malaking pagbabago sa aking buhay ay ikaw ang isa sa malaking dahilan.  Ang ako ay iyong pagkatiwalaan sa gawaing iyon ay ang gawain ding nagbigay sa akin ng ibang yugto sa aking buhay.  At sa yugtong ito ng aking buhay na lumikha ng malaking dahilan upang kayo ay higit kong igalang at pasalamatan. 

Ang iyong pananaw ay nagbago rin ng aking pananaw.  Ang iyong ugali ay nagbago rin ng aking ugali.  Ang pagiging mabuti mo sa aking palagay ay nagpabuti rin sa akin... at nagbigay sa akin ng ibang kahulugan ng buhay.

Ayaw kung isipin na ikaw ay nasa piling na ng ating Diyos.  Mas higit kong iniisip ang mga panahong kayo ay naging bahagi ng munti kong buhay.

Ayaw ko sana ngunit kailangan ko nang tanggapin.  Paalam na po at maraming-maraming salamat sa iyo...SIR 09202014

No comments: