Wednesday, June 12, 2013

kalayaan

Makikita hindi sa angking ganda na pang-pisikal kundi sa pagpapanatili ng ganda ng kalooban.
Madarama ng simpleng damdamin na walang anumang alinlangan, hindi ang punong matayog at iilan lang ang bundat na sa bunga ay nakikinabang.

Hindi kalayaan ang mayroong paaralan, kung hindi ka naman makapag aral dahil sa kawalan ng kakayahang ang bayarin sa iskol ay matugunan.

Lalo na kung ang iyong lansangan ay alikabok sa tag init at ilog sa tag-ulan.  Buti pa sa maynila, ang sementadong daan, pilit na babakin upang muling sementuhan. ngunit sa aba mong bayan, espeling ng semento ay hay naku di ko alam. Ok na rin at least di amoy patay na prinsipyo ang bahong lumalabas sa iyong imburnal. Di ko lang alam kung naitatago ba ang amoy ng mga taong niluklok daw ng masa at sambayanan. Malayang araw ng KALAYAAN sa iyo aking INANG BAYAN. (12hunyo2013)

Hayaan mong sukatin ko ang kalayaan mong taglay hindi sa lawak ng lupaing iyong nasasakupan kundi sa kakayahang mapanatili na tanging iyo at iyo lamang ang lupaing galing sa ating mga ninunong matatapang.  Yamang sa iyo ay ipinamana, hindi mo  ninakaw, hindi mo inagaw kaninuman. Lupang iyo ang tangi mong yaman, taglay mo na ng ika'y isilang. Wag hayaang angkinin ng ibang tao at bansang gahaman.  Iyan ang kalayaang iyong ipanatili, samahan mo ako at ating ipamana sa susunod na salinlahi.



No comments: