Friday, October 5, 2012

sta. luz

dahil sa najayjay ay muling sumagi sa aking isipan ang sta. luz. ang bayang ni sa hinagap ay hindi ko inasahang mapupuntahan. isang bayan na sa itsura ay hindi naman kakaiba. ngunit bakit ako ay iyong nabighani, tila nahipnotismo baga.

dito isang kabanata ng aking buhay ang nalinang.  dito noon ang mga munting alaala o di ba't ginto ang halaga? ang mga taon na inilagi ko sa iyo ay ano't tunay na kahali-halina. pinagyaman at inangkin mo ako na sadyang iyong-iyo na, doon ang langit ko ay ikaw, bilanggo ako ng iyong yakap na mapagkalinga.

sa paglipas ng panahon, sa ating muling pagkikita.wag mo sana akong itakwil sa iyong mga yakap na kahali-halina. wag sanang ako ang maging dahilan ng malalim mong pagluha.hayaan mo akong mabuhay sa mundong ating nalikha sapagkat sa piling mo ay akin nang langit dito sa abang lupa.

No comments: