Wednesday, October 24, 2012

hindi man

Sa malayong pook, doon ako ay mag isa lang, walang kasama, malungkot ngunit walang nakakaalam.
Mabilis ang talakayan kabi-kabila ang usapan, ang diwa hindi mapigilan sa paglakbay doon sa kabilang lansangan upang kahit anino ng diwata ay aking mapagmasdan.


Walang pag-asa sadyang walang kakayahan, bumagyo man at tangayin ng hangin ang naisin ay kupas na pangarap lang.
Hindi mangyayari, malaking kahibangan, tanging himala ang mapanghahawakan.
Ang hirap at pasakit ay kakayaning tatanggapin upang sa panaginip mayakap at sa kahiwagaan ika'y makapiling.
Hindi man mahagkan, hindi man masaling, sa aking pisngi ramdam ko ang dampi ng hiningang hangin.

No comments: