Friday, June 1, 2012

insight


Katulad ng ibang mga workshop na aking nadaluhan, sa aking pagtataya ay naabot ng pagsasanay na ito ang mabuting hangarin.  Ang mga bagong kaalaman, katulad ng __________ bagama’t ako’y nalula , ay sadyang aking ikinamangha.
Ako’y nagpapasalamat sa bibihirang pagkakataong  ito na aking naranasan.  Maraming mga bagay sa pagsasanay na ito ang nagbigay linaw, sumagot sa marami kong katanungan at nagbukas ng malalim na adhikain at mabuting pananaw.
Para sa akin, ang mga pagbabagong ito, ang mga natutunan ko sa pagsasanay na ito ay maituturing kong hamon sa akin, hamong higit pang mapabuti ang pagganap sa tungkuling nakaatang sa akin.
Ako ay katulad ng baso at ang isang linggong pagsasanay na ito ay katulad ng tubig na isinalin sa akin.  Kung kayo ay baso,  umapaw ba ang tubig na isinalin sa inyo?  Hindi mahalaga kung umapaw o kung tama lang o kulang at nangalahati lamang ang laman ng baso.  Ang mahalaga ay ang natutunan nating ito ay gamitin natin katulad ng malinis na inuming tubig na papawi ng uhaw o di kaya’y maging pandilig upang makapagpayabong ng isang halaman.  Ibahagi natin ito upang magbigay ng mga bungang matamis at kapakipakinabang.

No comments: