Monday, July 12, 2010

Sa aking palagay…

...Hindi tamang sinisigawan o binubulyawan ang bata. Ito ay nakakapagpababa ng pagkatao at tiwala sa sarili. Kausapin sila at paliwanagan sa maayos na paraan.
...Hindi tamang dinadanas ng bata ang pisikal na pananakit. Ito’y isang uri ng pagmamaltrato at pang-aapi sa murang katawan at isipan. Kausapin sila at paliwanagan sa maayos na paraan.

...Hindi mabuti na namumulat sa sigawan, bulyawan at pananakit ang bata. Ito sa kanila’y nagiging maganda at gagayahing tugmang-tugma. Kausapin mo ang sarili at maliwanagan ka sa paraang tama.7/12/10

No comments: