Tuesday, July 6, 2010

kung alam ko lang

Kung alam ko lang na ako’y malulungkot kung ika’y lalayo. Ikaw sana ay aking pinigilan at di ko sana pinayagan.
Kung alam ko lang na ako’y nais mong pagmasdan kahit sandali lang. Ako sana’y agad nandiyan at hindi sana kita iniwan.
Kung ako sana’y nakikinig sa sinasabi ng iyong puso. Di ka sana lumisan ng hindi ko nahahagkan at nayakap ng buong higpit aking hirang . Kung alam ko lang…kung sana ay alam ko lang. 7/6/10

No comments: