Agwat natin ay milya-milya, Ikay naroroon ako’y narito’t malayo, nag-iisa aking sinta.
Ang bawat kilometrong pagitan natin, ano pa’t parang talim na sa aking puso ay idinidiin.
Ang bawat araw ay tila kay bagal baga, kung may tali lang ang inang araw ay hihilahin ko na nang ang aking pag-uwi ay dumating na, upang ika'y makaulayaw, makasama ko aking sinisinta.
Sa pagsapit ng takipsilim ano’t ikaw ang laging nasa isip, kaulayaw ko sa magdamag ngunit dagling naglalaho sa aking pagising.
Kahit ako ay malayo lagi kong sa iyo ipapadama, sa ihip ng hangin mensahe ko aking ipadadala… araw-araw, lagi-lagi iniibig kita. Ganyan kita iniisip, ganyan ka kahalaga, ganyan kita kung ibigin, walang iba ikaw lamang aking sinta.6/9/10
No comments:
Post a Comment