Sa tuwing ika’y aking kapiling hapdi nang katawan ipinadarama mo sa akin. Halik mong makamandag kaulayaw ko sa buong magdamag at sa aking paggising ang latay na iniiwan mo’y walang katulad.Sa tuwing ika’y kasama laging butas ang aking bulsa. Badyet ko’y di ko mapagkasya, kapritso mo ang lagi kung inuuna. But I can’t let you go, di ko alam ewan ko ba kung bakit.
Sinubukan kitang iwan, itinakwil pa nga upang kasuklaman mo na. Lumipas man ang mga araw tiniis kong di ka abot ng mata upang ika’y malimot ko baka sakaling ako’y iyong ipagkaila.
Ngunit sa tamis ng iyong ngiti at mapang-akit na halik dagli ako’y iyong naakit, agad kitang hinagkan, niyakap kong muli.
Huwag mo akong tanungin, hindi ko kayang sagutin kahit tanawin ko ang bukas na araw o kapain ko sa dilim. I can’t stop wanting you, wag sana hanggang libing.
No comments:
Post a Comment