Sunday, December 20, 2020

Salamat DMF

 Ang taong 2020 sa DMF at ng mga ka-DMF ay parang pelikula. May panahong malungkot. Minsan may drama, minsan nakakatakot, pero madalas ay masaya, nakakatawa at nakakatuwa. Parang pelikula, bawat isa ay may kanya kanyang role. May supporting, may gumaganap na bida at hindi nawawala ang kontrabida. Pakiramdam ko madalas ako ang gumaganap na kontrabida.

Hanga ako sa role na ginampanan ng bawat isa pero higit na hinangaan ko ang mga maganda ninyong pag-uugali at pananaw sa buhay. At ang pagpupursiging patuloy na gawin ang mabuti at sundin ang tama. 

Kita kita uli sa 2021. Maraming salamat DMFs.

No comments: