Saturday, June 3, 2023

Cross?

Use of cross was same used as lethal injection, electric chair, etc. Isang naging pamamaraang katulad ng paggamit sa lethal injection, sa electric chair, sa firing squad at sa iba pang katulad nito.

Thursday, May 11, 2023

Basura

Basura mo? Itapon sa tamang lagyanan. Para sa iyo at sa henerasyong susunod. Ang hirap naman kung sasabihin ng anak mo at ng mga magiging apo mo na ang mga magulang o lolo nila ay hindi alam ang tamang pagpapahalaga sa kalinisan at  walang pagmamahal sa KALIKASAN. Pati kami DINAMAY MO.

Saturday, April 15, 2023

Ipon ni Ipat

 Sa pagsasama natin ay nag iipon ka ng iyong pilak, nag iipon ng iyong  kaibigan , habang nag iipon ng iyong sama ng loob. Sana nagsasabi ka, may naghihintay naman. Hindi sana kinita pati ang intetest na ikaw ang gumawa

Wednesday, April 5, 2023

Wednesday, March 29, 2023

Ang dating aral ukol sa pagpasan ng krus

Nang magkagayo'y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon. Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay? -Mateo 16:24-26

Thursday, March 23, 2023

Ang dating aral ukol sa pagbibigay ng handog (ikapu ba?)

 Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya..- 2 Corinto 9:7

Ang Handog ng Babaeng Bao

41Umupo si Jesus sa tapat ng kaban ng yaman. Nakita niya kung papaano naghuhulog ng salapi sa kaban ng yaman ang napakaraming tao. Maraming mayayaman ang naghulog ng maraming salapi sa kaban ng yaman.

42 Lumapit ang isang dukhang babaeng balo at naghulog ng dalawang sentimos na maliit lang ang halaga.

43 Tinanong ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang dukhang babaeng balong ito ang naghulog ng higit na malaking halaga kaysa sa kanilang lahat na naghulog ng salapi sa kaban ng yaman. 

44 Ito ay sapagkat silang lahat ay naghulog ng mga labis nila. Ngunit siya, sa kabila ng kaniyang karukhaan, ay inihulog ang lahat ng kaniyang kabuhayan. - Marcos 12:41-44

Wednesday, March 22, 2023

Ang dating aral ukol sa pangalan ng iglesia ayon sa bibliya

Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan. - 1Timoteo 3:15

Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri. - 1 Timoteo 11:12

Wednesday, May 18, 2022

Saturday, July 31, 2021

1st Ph Olympic Gold by HD

 Congrats Hidilyn Diaz. Isinulat mo sa kasaysayan ng ating bansang Pilipinas at sa buong mundo ang iyong kakaibang galing. Ang angking galing ng isang Filipino. #Proud Filipino

Sunday, July 11, 2021

Munting panalangin bago ang pagpupulong

 Pangunahan mo po kami Panginoon at samahan mo kami sa buong araw na ito ng aming pagpupulong upang ang iyong kagustuhan ang aming maging gabay. Buksan at linisin mo po ang aming puso at isipan upang maibahagi namin sa pagpupulong na ito ang aming mga angking kaalaman at karunungan upang ang maging bunga ng pagpupulong na ito ay maging mabuti sa amin, kapakina-pakinabang sa tanggapang aming pinaglilingkuran at naaayon sa iyong kalooban. Ito ang aming Papuri, ito ang aming pasasalamat, ito ang aming panalangin sa pangalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen

Thursday, July 1, 2021

Gilas Plipinas Nanggulat

 Nagulat ang mundo sa ipinakitang galing ng Gilas Pilipinas Team sa kakatapos lang na laban nito ngayong July 1, 2021 katapat ang world's number 5 na Serbia. Bagamat hindi umayon ang mga huling sigundo ng laro ay maituturing na kagiias-gilas at kamangha-mangha ang ginawa ng Gilas. 

Nagulat ang lahat, nagulat ang mundo. Kayang-kaya ng Gilas Pilipinas tumapat sa world class na team ng Serbia. Iba talaga ang puso ng mga Filipino. 

Thursday, June 24, 2021

Saturday, May 29, 2021

JC 6th Man OTY

 Congrats Sir Jordan C.! Proud kami sa iyong mga accomplishments. MVP ba ang next target?

Sunday, February 14, 2021

To my lovely wife

 I truly love you. 100% sure.

Salamat po...Paalam Bro. Eli

 Rest In Peace, we love you Brother Eli. Ikaw ang aming gabay sa pamamagitan ng Ang Dating Daan. Maraming Salamat  ...Brother Eli Soriano.

Friday, February 12, 2021

Luha sa napakahalagang nawala

 Iyong ilaan ang luha at pasasalamat sa napakahalagang nawala. Thank you Brother Eli.  Maraming salamat po. 

Sunday, December 20, 2020

Salamat DMF

 Ang taong 2020 sa DMF at ng mga ka-DMF ay parang pelikula. May panahong malungkot. Minsan may drama, minsan nakakatakot, pero madalas ay masaya, nakakatawa at nakakatuwa. Parang pelikula, bawat isa ay may kanya kanyang role. May supporting, may gumaganap na bida at hindi nawawala ang kontrabida. Pakiramdam ko madalas ako ang gumaganap na kontrabida.

Hanga ako sa role na ginampanan ng bawat isa pero higit na hinangaan ko ang mga maganda ninyong pag-uugali at pananaw sa buhay. At ang pagpupursiging patuloy na gawin ang mabuti at sundin ang tama. 

Kita kita uli sa 2021. Maraming salamat DMFs.

Friday, October 30, 2020

Paano po magalit nang tama?

 Paano po magalit ?.  Turuan mo ako hangad ay makaunawa. Hindi tulad ng galit kay lian na parang lalamunin na kapag may sala. Hindi naba-blangko at cool lang habang pinaparamdam, habang  pinapakita. Turuan mo po ako, pangarap ko ay magalit pero tama.

Saturday, October 17, 2020

Miss Tindera

 Miss Tindera, pabili ng isang matamis na kiss saka mainit na iloveyou.

Miss Tindera, ikaw ay super ganda.  Sana pagsinta ko ay suklian mo ng super tamis na "Oo na, mahal din kita". 

Saturday, October 10, 2020

Be the (Bida) one

 Be responsible;

Be good, be kind; and

Be the one.

Huwag makapal ang mukha;

Huwag maging walang hiya; maging

Bida one.



Thursday, October 1, 2020

Kay sarap ng may minamahal

 Kay sarap ng may minamahal, ang daigdig ay napupuno ng kulay.

Kahit na may pagkukulang ka, isang ngiti mo lang limot ko na.

Kay sarap ng may minamahal at kay sarap mong magmahal.- credit to rey valera

Sunday, September 13, 2020

Assuming o masama ang pag -iisip?

 Hirap naman magtanong kung isinama ka sa usapan kahit puwedeng hindi naman. Tapos mapagkamalan ka pang assuming kahit nag-assume na sila sa pananaw mo at sa katanungang paglilinaw lang ang gusto?  Ang masamang tao talaga ay totoong hindi maganda ang iniisip sa.kapwa.

Tuesday, September 8, 2020

Relationship

 'Nong tanda ko na.

 LDR ngayon LDLA noon.

"Long Distance Relationship" ngayon  "Long Distance Love Affair" noong panahon nang hapon.

Thursday, September 3, 2020

Unfair Sharing (Ang Saging)

Trabaho mo, trabaho rin namin; Sahod mo, sahod mo lang din.

Tila baga talampakan nitong si Aling Juaning;  Makapal, magaspang...mukhang manhid man din.

Pakiramdam ba ay wala na  rin?

Kunwa ay tupa kahit maligo at magbihis nang magaling... pag suklay ng buhok ay matsing pa rin.

Madapa ka sana, baka sakaling magising  Katulad nang  unggoy na nadulas sa kinaing saging.

Monday, August 31, 2020

Jordan Clarkson's PEACE

 Dear Jordan,

You have PEACE, 

it makes us happy. 

Make it KAPAYAPAAN,

 You will make us proud.

Mabuhay PILIPINAS.

Sunday, August 30, 2020

Pag ibig ko ay sa iyo

 Pag ibig ko sa iyo sadyang di magbabago. Malimit mang magkalayo dahil sa covid na ito, magtiwala kang lagi... ang pag ibig ko ay sa iyo.

Thursday, August 27, 2020

WFH?

 "Work from home or stay- cation at home with ATM?"

 Ingat po baka ikaw ay mabulunan sa pagkaing akala'y pinaghirapan. 

Patuloy akong umaasa, hindi mo gagawin ang mapabilang sa kanila. Patuloy na ako ay nagtitiwala. Sana nga, sana nga .-lian lumawig

Wednesday, October 17, 2018

pananaw ng bata

Ang nalilikhang pananaw ng bata ang huhubog ng kanyang pagkatao- Lian Lumawig.

Sunday, June 17, 2018

not my day.

June 17, 2018. Father's Day.
Today is the saddest day of my life. Time to give up?
Lian

Wednesday, September 13, 2017

soldiers

i support soldiers na patuloy na ipinaglalaban ang Marawi City laban sa mga Maute. Bayani kayo ng ating bayan mga magigiting na sundalo ng bansang Pilipinas. Hanga ako sa inyo.

Thursday, May 18, 2017

May 18

Ang sakit sa aking puso ay katulad pa rin ng dati. Katulad ng sugat na kailanman man ay hindi na maghihilom at laging nagiging sariwa sa ganitong araw. ang araw na hinati ang aking puso at ipinadama sa akin ang kahulugan ng kalungkutan. Ang kalungkutang lagi nang nasa akin simula ng araw na iyon. Mas makirot ngayon, mas masakit ang aking nadarama. Miss kita alam mo ba?

Tuesday, January 3, 2017

greatest tatay at nanay

Tay, Nay mahal na mahal ko kayo. The best kayo para sa akin. Kayo ang natatangi kong greatest parents. Mag iingat kayong lagi.

Monday, January 2, 2017

lihim na lason

Ang lihim mong galit sa akin ay maaaring maging lihim na lumalason sa iyo at sa akin.

Wednesday, December 21, 2016

madilim na kanta

Ikaw man ang babae sa madilim na kanta, giliw ko hindi magbabago ang pag-ibig sa iyo aking sinta.

Friday, December 16, 2016

gentle man's pride

No GIFT Allowed is this Man's Gentle Pride. A Gentle Man"s Gift His Pride Allowed.

Sunday, November 20, 2016

big laugh sa boxing

Hahahahahaha! Laking tawa sa boxing result ng main event sa vegas.   Hahahaha! Tawa na lang sa maraming ganito.

Saturday, November 14, 2015

Sunday, October 18, 2015

kasama laban kay lando

Kasama nyo akong nanalangin na sana ay tuluyan ng humina ang bagyong lando at lumabas na ng tuluyan sa kalupaan ng pilipinas.  Wala sanang mapinsala ang bagyo dito sa pilipinas o saan mang panig ng mundo na dadaanan nito.
Ang pangyayaring ito ay magbigay sana nang katatagan ng loob at pagtutulungan ng bawat isa upang malampasan muli ang mga ganitong kalamidad.
Kakayanin natin ang malakas na bagyong ito sa ating pagkakakisa.

Saturday, October 17, 2015

akala mo lang

Akala mo ay tama? Pag isipang mabuti dahil baka akala mo lang.

salamin salamin

Gusto mong  ikaw ay igalang...paano kung ikaw mismo ay walang galang?
Bastos kang kausap,  bastos din ang ituturing sa iyo ng iyong makakausap.

Monday, August 3, 2015

multo

Laging nawawala parang kaluluwa na di mo makita at laging gala. Pagsasanay na ginastusan upang marami ay turuan ngunit nang dinaluhan akala mo ay turistang aleman. Laging namasyal kahit saan at anong oras man, walang kiyeme kahit sa kalagitnaan. Kahit matapon ang lahat basta siya ay walang pakialam, sa ano o sa alen'man.

Sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan ano't kagawarang sa kapos ay kagalingan pa naman pero sabi nya sya raw ay sadyang may kaagalingan itanong mo pa kanino man siya raw ay marunong at maraming alam.

ok lang masaktan

Ok lang na dahil sa pag-ibig ikaw ay  nasaktan.  Sadyang masakit ang kabiguan, ang mas mahalaga ay natutunan mo ang ibigin at magmahal ng tapat at lubusan.

nag iisang dalaga

Ang gandang pagmasdan musmos mong larawan, tila baga nangungusap mga matang may pinagmanahan.  Dito man sa lupa o diyan sa kalangitan, ikaw ang aming munting anghel, ang nag-iisang dalagang sadyang aking kinasasabikan.

Tuesday, January 6, 2015

comment ko sa article na "purchase of missile system for our 2 navy frigates, a move expected to strengthen its capability to secure the country’s territory"


OK yan basta Self defense lang at protection para sa BAYANG SINILANGAN. Paalala ko lang sa mga Mahal naming Namumuno sa aming Mahal na Inang Bayan tila yata matagal nyo nang kinakalimutan ang mga manggagawa ng pamahalaan sa Rehiyong MIMAROPA (nalikha noong taong 2003) mahigit na isang dekadang hindi nabibigyan ng pansin at napapabayaan. Pagkatapos ng mahigit sampung taon, hindi pa ba nararapat na i-upgrade na rin o ire-classify ang kasalukuyang posisyon nga mga mangagawa sa kung ano ang kasalukuyang posisyon ng ibang mangagawa sa ibang rehiyon? Saan ka nakakita na pareho ng gawain sa pamahalaan pero dahil nagtatrabaho sa MIMAROPA ay mas mababa ang suweldong tinatanggap kumpara sa mga manggagawa sa ibang rehiyon? MAGKAKAIBA ANG AMING POSISYON BILANG MANGGAGAWA NG PAMAHALAAN PERO PAREHO NG TRABAHO, RESPONSIBLIDAD AT PANANAGUTAN AT DI HAMAK NA MALAKI ANG SAHOD NILA KUMPARA SA MGA MANGGAGAWA SA MIMAROPA. Sana makatulong itong aking mensahe para sa KAPAKANAN ng  mga MANGGAGAWANG patuloy na napapabayaan sa REHIYONG AKING KINABIBILANGAN.
Mabuti pa ang 2 navy frigates , ina-upgrade.....

Friday, November 21, 2014

panalangin vs i love you

Buti pa ang panalangin, kahit sino gustong banggitin.Eh ang" I love you!" sa iyo ko lang sana nais marinig ayaw namang sambitin. Lungkot naman kasi parang kahit anong aking gawin ang iyong "I love you" ay talagang hindi laan sa akin.Subukan ko kayang banggitin isang katerbang Panalangin at baka sakali ay iyo nang sa akin  ay bigkasin.

Wednesday, October 22, 2014

Salamat sa iyo...SIR

Malaking pagbabago sa aking buhay ay ikaw ang isa sa malaking dahilan.  Ang ako ay iyong pagkatiwalaan sa gawaing iyon ay ang gawain ding nagbigay sa akin ng ibang yugto sa aking buhay.  At sa yugtong ito ng aking buhay na lumikha ng malaking dahilan upang kayo ay higit kong igalang at pasalamatan. 

Ang iyong pananaw ay nagbago rin ng aking pananaw.  Ang iyong ugali ay nagbago rin ng aking ugali.  Ang pagiging mabuti mo sa aking palagay ay nagpabuti rin sa akin... at nagbigay sa akin ng ibang kahulugan ng buhay.

Ayaw kung isipin na ikaw ay nasa piling na ng ating Diyos.  Mas higit kong iniisip ang mga panahong kayo ay naging bahagi ng munti kong buhay.

Ayaw ko sana ngunit kailangan ko nang tanggapin.  Paalam na po at maraming-maraming salamat sa iyo...SIR 09202014

Sunday, April 6, 2014

sinungaling lang naman

Ang hirap kung may kasamahan kang sinungaling na napakagaling pang gumawa ng kuwento.  Gusto mo bang makasama ang ganitong tao? Tanong ko lang.

Saturday, March 8, 2014

nasa mataas na posisyon

Kung DIRECTOR ka o KAHIT ANO MAN ANG IYONG POSISYON sa kumpanyang iyong pinaglilingkuran, kailangan ba talagang sumigaw o pabulyaw ang pag-uutos mo o pagbibigay ng direksyon? Ginagawa mo rin ba yan kung ang kausap mo ay mas mataas ang katungkulan sa iyo?  TANONG KO LANG NAMAN.

mahalaga...makabuluhan...katangi-tangi


Mahalaga na mayroon tayong natatanggap at mayroon tayong nalalapitan sa panahon ng pangangailangan at kagipitan,
Makabuluhan na mayroon tayong naibabahagi at tayo ay nalalapitan sa panahon ng pangangailangan at kagipitan,
At katangi-tangi ang pagbabahagi  kung higit kaysa sa kailangan at lampas sa ating kakayahan. MSPM

10 years (sampung taon)

Ako ay nag-apply ng clerk II position noong 2003. After deliberation at ako ay matatanggap na sa position na aking inaplayan ay tinanong ako nang ganito "Saan mo gusto sa A or sa B?" Sabi ko agad sa B po. Sabi ko pa sa aking sarili "Dito na ako tatanda".

That was 10 years ago at naging tapat ako sa aking pangako. Di ko hangad na gayahin nyo ako, di ko hihilingin na maging tapat kayo sa ating bayan, subalit kung kayo ay magreretiro na at bibigyan kayo ng clearance certificate ay dapat ang nasa logo ay may ganito:

Sunday, January 19, 2014

under state of denial

Ang bilis ng iyong pagdating at pag alis sa aming bansa ngunit ang epekto mo sa lahat ng aspeto ng aming buhay ay parang ngayon palang sa akin ay sumasariwa.  Hindi maikakatwa ang lawak ng iyong sinira.  Kabuhayan, mga gusali at mga tulay, bahay at buhay ay iyong kinuha. May ilan pa nga na siguro na kabilang sa larangan o trabaho na aming kinabibilangan o maaring ang iba ay amin na ring kaibigan o kaibigan ng aming mga kaibigan.  Maraming linggo at buwan na ang lumipas ng kami ay dalawin mo Yolanda ngunit bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng aking isip at ng aking mababaw na pang-unawa... wala na ang kabuhayan, ganun din ang ilan nating mga kaibigan at maraming kababayan. Wala na sila, wala na ang lahat, kinuha mong biglang-bigla, at hindi ko pa rin matanggap at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Tuesday, October 22, 2013

help


1991 nang una kong aktuwal  na maranasan ang malakas na lindol, madaling araw noon at sa aking pagkakatanda ay sa kalsada na kami inabutan ng umaga. Bago at kakaiba para sa akin ang karanasang iyon, nakakatakot at naguguluhan ang munti kong isipan dahil gumagalaw ang paligid. Paano at bakit ito nangyayari?  Mga ilang araw din ang lumipas bago humupa ang paggalaw ng paligid at ng pangamba, at nang takot sa aking dibdib.  Salamat dahil wala sa amin ang nasaktan at hindi rin masyadong naapektuhan ang apartment na amin noong inuupahan.

happy birthday

Happpy happy birthday po sa inyo. Makabuluhang pagpapala at tamang gabay ng Panginoon,  ang kasaganaang pang espiritwal kasabay ng kaginhawaan sa buhay ay patuloy po niyang ipagkaloob sa inyo. Hangad po namin sa inyo ang patuloy na pagiging masayang pamilya, ang kuntento at maligayang pamumuhay at ang may tamang paggalang at tapat na pagmamahal sa isa’t isa.

Saturday, August 3, 2013

good or bad

Ang mabuti o masamang tao ay iyong makikilala di lamang sa pamamagitan ng kanyang gawa kundi sa binibitawan niyang salita.

the good and the bad man

Ang mabuting tao magkasakit man at maghirap, mayroon namang mabuting kalooban; Ang masamang tao maging malusog man at yumaman, pangit pa rin ang pagkatao at di mabuti ang kalooban.

Wednesday, June 12, 2013

kalayaan

Makikita hindi sa angking ganda na pang-pisikal kundi sa pagpapanatili ng ganda ng kalooban.
Madarama ng simpleng damdamin na walang anumang alinlangan, hindi ang punong matayog at iilan lang ang bundat na sa bunga ay nakikinabang.

Hindi kalayaan ang mayroong paaralan, kung hindi ka naman makapag aral dahil sa kawalan ng kakayahang ang bayarin sa iskol ay matugunan.

Saturday, May 4, 2013

maasahan

The Dog and the Donkey

PART 1 (property of www.english-for-students.com and the author of the story)

There lived a dog and a donkey in a house of a rich man.  The dog guarded his house and the donkey carried loads for him.
It was a hot afternoon.  The dog was sleeping under the shady veranda. There was some noise outside.  The dog just lifted up his head and went back to sleep.
The donkey asked " Why don't you bark.  It could be thieves".  The dog replied, "Mind your own business".  But the donkey would not listen.  He wanted to save his master from thieves.  he started to bray.
The master who was sound asleep got wild with the donkey and came running out with  a stick and gave hard beatings to the donkey.

MORAL : It is always better to mind our own business.

Friday, May 3, 2013

good 'n bad start

good start does not mean pleasant outcome;
bad start does not mean unfair result either;
and we can still make up for a wonderful and worthy ending.

Saturday, March 9, 2013

sa aking kaharian

bawal ang masungit, mayabang at di marunong gumalang! ...doon lang naman sa aking kaharian.

Friday, January 11, 2013

reminder


A reminder for  whatever intention is a reminder (ang paalala kahit ano ang intensyon ay isang paalala).

Sunday, January 6, 2013

2013

I'm a little bit nervous for 2013,  not because I'm afraid of snakes or  I was born in the year of the rabbit but because it is new. Or maybe because of the new year's new challenges or new problems that I may encounter.  Or maybe I'm just too comfortable in 2012 and anything new to me means another adjustments.  

Friday, December 14, 2012

Tuesday, December 11, 2012

the loss


In everything we do, the results will be either positive or not good for us, and mostly not in our favor.  But in everything we do, it is not all about our defeats, the downs  or our losses.   It is how we stand after the fall. 

Friday, December 7, 2012

celebration of life

...for some are precious and glassy,  ...for those are naked, malicious and dirty, ...in some eyes there is true beauty.  it is but a celebration of life actually.

Wednesday, November 28, 2012

bullying

bullying is not funny.  it is similar to oppression, a form of maltreatment and oppression,  a wicked attitude. DECRY THE BULLY, DON'T ALLOW BULLYING!!!!

Friday, November 23, 2012

sacred place

solemn and peaceful corner of God's home where angels start to pray. a sacred place for selfless intentions and thank you i would say.

Wednesday, November 21, 2012

dark hills

looked like chocolates...beautiful and natural.  cones of something unusual.  i love this place. i want to go back with... in this place.  you are a hill, and i guess i am the dark one anyway.

Thursday, November 15, 2012

Panginoon, Ipadama Mo sa Amin

Panginoon, Ipadama Mo sa Amin
O aming Diyos, Amang kataas-taasan muli kami ay nangagtipon ngayon upang ikaw ay purihin at pasalamatan. Labis ang aming pasasalamat Panginoon sa iyong walang hanggang awa at pagkalingang patuloy na ipinagkakaloob sa amin.
Panginoon, ipadama mo sa amin ang aming kahinaan upang matutunan namin ang magpakumbaba. At matutuhang tanggapin ang kahinaang taglay ng bawat isa.

Panalangin sa Bagong Bukas

Panalangin sa Bagong Bukas

O aming Diyos, Amang Kataas-taasan, muli kami ay nangagtipon ngayon upang ikaw ay purihin at pasalamatan. Maraming salamat Panginoon sa iyong walang hangggang awa at pagkalingang patuloy na ibinibigay sa amin.
O aming Diyos kami ay lubos na nagpapasalamat sa isa na namang taong lumipas. Ito ay humubog ng aming katauhan at nagbigay sa amin ng karangalang ika’y mapaglingkuran.

Panalangin sa Patuloy na Pagiging Bukas

Panalangin sa Patuloy na Pagiging Bukas

O aming Diyos, Amang Kataas-taasan, muli kami ay nangagtipon ngayon upang ikaw ay purihin at pasalamatan. Maraming salamat panginoon sa iyong walang hanggang awa at pagkalingang patuloy na ibinibigay sa amin.
Hayaan mong kayo ay patuloy naming pasalamatan sapagkat…

Panalangin ng Pag-aalay ng Sarili

Panalangin ng Pag-aalay ng Sarili

O aming Diyos, Amang Kataas-taasan. Ang nagtatakda ng lahat ng mga pangyayari, lahat ng sandali na may dalang buti para sa amin.
Ikaw ang sa amin ay nagbigay-buhay. Sa pamamagitan mo ay nalikha ang mga bagay na tumutugon sa lahat naming pangangailangan. Ang pagmamahal mo ang nagbibigay sa amin ng lubos na pag-asa, ng liwanag sa aming buhay.

Panalangin ng Pasasalamat sa Kaloob na Panahong Laan

Panalangin ng Pasasalamat sa Kaloob na Panahong Laan

O Amang Banal na Makapangyarihan sa lahat. Ikaw na aming Dakilang Lumikha. Ikaw na sa araw-araw sa amin ay siyang gabay. Ikaw ang nagkaloob sa amin ng lahat nang aming mga pangangailangan.
Sa umagang ito Panginoon, hayaan mo na ang aming pagsama-sama ay maging sentro ng papuri at pasasalamat sa kaloob mong panahong laan sa amin.
Panginoon, maraming salamat sa nakaraan na bumuo ng mga istraktura’t kagamitan na nagpapagaan ng aming mga gawain sa kasalukuyan. Na tumitik ng mga aklat na ang bawat sanaysay ay mahahalagang batong-hiyas na bumubukas ng aming isipan at nagpapaunlad ng aming mga pananaw at kaalaman. Na humubog ng mga taong dakila na nagbibigay sa amin ng tatag nang pananalig, sigla ng kalooban at angkop na inspirasyon sa wastong pamumuhay.

Panalangin para sa Patuloy na Paggabay

Panalangin para sa Patuloy na Paggabay

O aming Diyos, Amang kataas-taasan kami muli ay nangagtipon ngayon upang ikaw ay purihin at pasalamatan. Labis ang aming pasasalamat sa iyo panginoon sa iyong walang hanggang awa at pagkalingang patuloy na ibinibigay sa amin.

Gawin mong higit na matatag panginoon iyong mga nakakaranas ng kalungkutan, iyong mga inaapi, iyong mga hindi binigyan ng tamang katuwiran iyong mga naliligaw ng landas sapagkat ikaw ang aming mabuting sandigan. Ang pagmamahal mo ang nagbibigay sa amin ng lubos na pag-asa, ng liwanag sa aming buhay.

Wednesday, October 31, 2012

give time

give time to every special people in our lives. make each time the very best possible we can be for they are our treasures.. our reasons maybe.

Monday, October 29, 2012

9th birthday

happy happy birthday to you my darling angel. graham daw at spaghetti ang handa mo sabi ni mama. pasyal sila sa iyo mamaya. ako sa pag uwi ko na lang lapit na rin naman, sa wednesday  hayyyy...
enjoy your special day...it's your 9th  birthday. we miss you very much.  always be good there and I LOVE YOU.

Wednesday, October 24, 2012

hindi man

Sa malayong pook, doon ako ay mag isa lang, walang kasama, malungkot ngunit walang nakakaalam.
Mabilis ang talakayan kabi-kabila ang usapan, ang diwa hindi mapigilan sa paglakbay doon sa kabilang lansangan upang kahit anino ng diwata ay aking mapagmasdan.

Wednesday, October 17, 2012

Jesus

...Son of God...I trust you. guide me with your light.

manila

magandang araw MANILA.  Kariktan mo'y sadyang KAKAIBA...
anong mayroon ka at ako'y nabihag nang iyong MAHIKA.

Wednesday, October 10, 2012

white and lady...

...white and beautiful

table

Ang aking lamesa simply, maliit at ang mga lagyanan ay walang laman yata?... ngunit ang bawat isa ay nagdudulot sa akin ng kakulangan kung kukunin ng iba.

breakfast

ang pagkain ng hirap at budget ay di sapat. ok na rin dahil ang  almusal ay talagang masarap sa panlasang simple at salat.



Friday, October 5, 2012

sta. luz

dahil sa najayjay ay muling sumagi sa aking isipan ang sta. luz. ang bayang ni sa hinagap ay hindi ko inasahang mapupuntahan. isang bayan na sa itsura ay hindi naman kakaiba. ngunit bakit ako ay iyong nabighani, tila nahipnotismo baga.

Tuesday, September 25, 2012

more happy times

i want to spend more happy times with you para kung mawawala man ako masasayang bagay ang maaalaala mo sa akin at hindi ang mga pighating naidulot ko sa iyo.

Thursday, August 30, 2012

strong

sa bawat bagay at mga pangyayari sa ating buhay
masakit, malungkot, masaya, mahirap,  marami, magulo, maingay,
walang saysay, nagmamadali, malabo, makulit, tahimik ah basta

Friday, July 20, 2012

be calm

in everything we do please stay calm...
to solve problems accurately;
to accept defeats blissfully;
 to win battles valiantly;

Tuesday, June 26, 2012

bakit ganun?

bakit ganun, lagi na lang nadadapa sa iyo ang bulag kong puso.
bakit ganun, di naman kita maiwasan, lalo na ang ika'y kalimutan.

Monday, June 25, 2012

daan

madalas sa ating paglalakbay ang ating nilalakaran ay maalikabok, matinik, mabato o di kaya ay madawag.  madalas ay nalilito tayo sa bawat bagay

Tuesday, June 5, 2012

ligaya


kay gaan ng pakiramdam... kung ika'y naaalala. kay ganda ng araw... kung ika'y aking nakikita. sapagkat sa aking buhay, ikaw ay aking ligaya.

Friday, June 1, 2012

insight


Katulad ng ibang mga workshop na aking nadaluhan, sa aking pagtataya ay naabot ng pagsasanay na ito ang mabuting hangarin.  Ang mga bagong kaalaman, katulad ng __________ bagama’t ako’y nalula , ay sadyang aking ikinamangha.

Thursday, May 17, 2012

panatag


Panatag (Scarborough) Shoal belongs to Philippines. Ang amin ay wag nyong angkinin.

Tuesday, May 8, 2012

queen racas

pag-ibig, pangarap, pag-asa ang sa amin ay ibinigay
nang sa kahariang mimaropa ika'y reynang nahirang.
sa aming puso't isipan hindi mawawaglit kaylan man
pagkilala at pasasalamat taos pusong ibibigay
aming ipadadarama sa awiting alay.

Wednesday, April 4, 2012

harap

akala ko ay hindi kita kayang harapin, natatakot ako nung una.  hindi ko alam kung paano...ngunit dahil sa aking masidhing pagnanais ikaw ay nakaya kung harapin.  aking ipinapanalangin, ang aking kapusukan ay magbigay sana ng mabuting bunga.3/30/12

Tuesday, November 29, 2011

Monday, October 17, 2011

ikaw lang lagi

ako ay kumot handog ko ay init. O di kaya'y electric fan dampi ko'y hanging kaibig-ibig.  Yakap kita sa aking panaginip dahil sa puso ko ay ikaw lang lagi.

Friday, September 2, 2011

ating ituwid

mga kababayan
sa inyo ako ay nagsusumamo
ating ituwid
ang mali nang lumipas

Tuesday, August 9, 2011

sa inyong piling

langit ko nang itinuturing kung ako ay nasa inyong piling.

ang tungkulin


Isang bagong guro ang itinalaga sa isang maliit na eskuwelahan sa isang malayong bayan, sa isang malayong lalawigan. Kakaiba ang guro sapagkat ang bawat mag-aaral ng ika-anim na baytang sa elementarya ay binigyan niya ng gawain kung saan ang bawat isa ay naatasan na pag-aralan ang bawat leksyong ituturo kada lingo. Ang bawat isang mag-aaral ay itinalaga sa isang leksyon at ituro ito ng naatasang mag-aaral sa kanilang mga kaklase sa buong linggo.